Pagbasa Sa Teksto Filipino Baitang 8 Nasyonalismo Ang Nasyonalismo Ay Isang Damdaming Makabansa Ng Mga Taong Nagpapakita Ng Katapatan Sa Sanling Bayan At H
PAGBASA SA TEKSTO FILIPINO BAITANG 8 NASYONALISMO Ang Nasyonalismo ay isang damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa sanling bayan at hindi sa isang pangulo o pinuno lamang Ang ugat ng salitang "nasyon" na isang katawagan sa samahan o pangkat ng mga taong may iisang mithiin o layunin sa buhay at pinagbubuklod ng isang lahi, wika, relihiyon, mga kaugalian at tradisyon. Hindi sapat na ang mga tao ay may lupang tirahan, may kinikilalang pamahalaan at mga pinuno upang magkaroon ng damdaming makabansa. Mahahalagang sangkap ang mga ito ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagkakaisa ng mga kumikilala na sila ay kasapi sa iisang bansa at handa nilang ipagtanggol ang kalayaan ng mga ito. Hindi likas ang damdaming ito sa mga tao sa mga makasaysayang karanasan ng bansa. Ang Nasyonalismo ay pagmamalaki sa pamanang kultural ng bansa, pagtaguyod sa adhikain nito, at pagtatanggol sa integridad, seguridad at pagpapahalaga sa kalayaan ng bansa. Ito ay isa ring damdamin ng pagkakaisa na nag-uugnay sa mga tao sa kanilang kasaysayan at nagbubuklod sa kanila patungo sa isang maunlad na kinabukasan. Hindi naging madali at payak ang proseso ng paglinang ng nasyonalismong Pilipino. Masasabing naipunla ang buto nito sa kabayanihan ni Lapu-lapu. Dinilig ng dugo at buhay ng mga Pilipino kaya lumago at umusbong sa pagdaan ng mga taon, namulaklak at nagbunga sa isang rebolusyon na humantong sa pagpapahayag ng kasarinlan noong Hunyo 12, 1898 Tinutukoy ng bansa ang isang matatag na pamayanang binubuo ng mga tao, may teritoryo, ekonomiya, kasaysayan, kultura, wika at pagkakaisa sa ilalim ng iisang pamahalaan. Ang paglinang ng isang bansa ay isang matagal, mabagal at mahirap na proseso. Bumibilang ng maraming taon at mga siglo, bago mabuo ang isang bansa, Marami nang pagbabago ang naganap nang dumating ang mga kastila sa bansa. Bagaman hindi ninais ng Espanya na pag-isahin ang mga Pilipino sa isang bansa, hindi nila namalayan na malaki ang nagawa nito sa paglinang ng nasyonalismo sa mga Pilipino. PAGPAPALIT PAGKAKALTAS SINABI NG GURO MALING BIGKAS HINDI PAGPANSIN SA BANTAS PAGDARAGDAG PAG-UULIT MALING PAGHAHATI NG PARIRALA Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot. 1. Ano ang Nasyonalismo ayon sa binasang teksto? A. Ito ay ang pagpapahalaga sa bansa B. Ang pagkabuo ng isang nasyon. C. Ang paghihimagsik ng mga tao dahilan sa naranasang panlulupig D. Damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa sariling bayan 2. Ang salitang "nasyon" ay katawagan sa A Bansa C. Pangkat ng taong may lisang mithiin na pinagbuklod ng lahi wika, relihiyon B. pangkat ng mga Pilipino D. Pangkat ng mga Pilipino na handang magbuwis ng buhay para sa bayan. 3. Kailan naipunla ang Nasyonalismo sa mga Pilipino? A. Pagkasilang pa lang ay nakaukit na ito C. Sa mga naisulat ni Jose Rizal B. Mula sa kabayanihan ni Lapu-lapu D. noong panahon ng propaganda 4. Kallan nalilinang ang isang bansa? A. Kapag nagkaroon ng Nasyonalismo B. Matagal at mahirap na proseso na bumibilang ng taon at mga siglo C. Kapag nagkaroon ng magaling na namumuno D. Kapag nagkaroon ng pagkakalsa ang mga Pilipino 5 Ano ang pinakamahalagang sangkap ng Nasyonalismo? A. Pagkakaisa C. Pagmamahal B. Pagtutulungan D. Katapangan
Answer:kaunis
Explanation:
Sana mataas na points binibigay ohh
Comments
Post a Comment