Naranasan Mo Na Bang Isakripisyo Ang Iyong Buhay Sa Taong Minamahal? Maaaring Hindi Pa Dahil Bata Ka Pa Lamang. Maaari Namang Oo, Dahil Nakagawa Ka Ng Isan
Naranasan mo na bang isakripisyo ang iyong buhay sa taong minamahal? Maaaring hindi pa dahil bata ka pa lamang. Maaari namang oo, dahil nakagawa ka ng isang kabayanihan. Pero ang iyong mga magulang ay handang ialay ang kanilang sarili upang gawin ito nang walang hinihintay na kapalit. Handa nilang isugal ang kanilang buhay para lumabas ng bahay upang kumita ng pera. Ganoon din ang mga frontliners. Araw-araw silang naglilingkod sa sambayang Pilipino upang makatulong na maging maayos ang sistema sa ospital, kalsada, groseri, atbp. Ginagawa nila ito dahil sa kanilang wagas na pag-ibig sa bayan at sa pamilya. Ikaw bilang isang mag-aaral, paano mo kaya masusuklian ang kanilang kabayanihan balang araw?
1. Tungkol saan ang napakinggang talata?
A. Buhay ng taong minamahal
B. Sambayanang Pilipino
C. Kabayanihan
D. Walang kapalit
2. Sa talatang nabanggit, sino ang tinutukoy na handang ialay ang kanilang buhay upang kumita ng pera na walang hinihintay na kapalit?
A. Doktor
B. Magulang
C. Frontliner
D. Nars
3. Ikaw bilang isang mag-aaral, paano mo kaya masusuklian ang kanilang sakripisyo balang araw?
A. Mag-aaral ako nang mabuti.
B. Gumawa ng isang libro para ialay sa kanila.
C. Sa pamamagitan ng pagkuha ng medisina upang maging doktor.
D. Sundin ang mga health protocols para matapos na ang pandemya.
Answer:
1.A
2.B.
3.A.
Explanation:
Hope it helps
Comments
Post a Comment