Para Sa Iyo, Ano Ang Pinakamagandang Pandaigdigang Organisayon? Ipaliwanag.

Para sa iyo, ano ang pinakamagandang pandaigdigang organisayon? Ipaliwanag.

Answer:

Dahil malaki ang naitutulong nito sa bawat kasaping bansa gaya sa paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon. Ang isang halimbawa ng pandaigdigang organisasyon ay ang ASEAN.

Ano ang ASEAN?

Ang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) o Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya ay isang  internasyonal na samahan. Ito ay may layunin ng  kooperasyong pampulitika at pang-ekonomiya.

Kailan nabuo ang ASEAN?

Itinatag ang organisasyong ito sa pamamagitan ng Deklarasyon sa Bangkok noong 8 Agosto 1967 at ito ay binuo ng Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand. Sa kalaunan sumapi ang estado ng Brunei, Vietnam, Laos, Myanmar at Cambodia.

Pangunahing layunin ng ASEAN

Paggalang sa magkabilang-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa.

Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit .

Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isat isa .

Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan .

Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa.

Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng ASEAN, maaaring magpunta sa mga link na ito:

Ano ang papel na ginagampanan ng asean para sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya?: brainly.ph/question/1050185

Ano ang kahalagahan ng ASEAN sa ekonomiya ng pilipinas? brainly.ph/question/1035505

Ang mga nagtatag ng ASEAN

1. Narciso Ramos- Narciso Rueca Ramos ay isang mamamahayag, abogado,  tagapangulo  at  embahador. Siya ang ama ng dating pangulong Fidel Ramos.

2. Abdul Razak Hussein- siya ang naging ikalawang punong ministro ng bansang Malaysia noong 1970 hanggang 1976.

3. Adam Malik- siya ay isang Indonesian na politiko at naging mamamahayag na nagsilbing ikatlong bise presidente nito. Dati siyang  nagsilbi bilang tagapagsalita ng parliyamento, banyagang ministro at pangulo ng United Nations General Assembly .

4. S. Rajaratnam- Sinnathamby Rajaratnam, DUT, ay naging Deputy Punong Ministro ng Singapore mula 1980 hanggang 1985,  isang matagal na naglingkod na Ministro at miyembro ng Gabinete mula 1959–88 at manunulat ng maikling kwento. Siya ay isa sa mga pinuno ng malayang Singapore nang nakamit nito ang self-government noong 1959 at kalaunan ay nagsarili noong 1965.

5. Thanat Khoman- ay isang Thai diplomat at politiko. Siya ay naging banyagang ministro mula 1959 to 1971, pinuno ng Democrat Party mula 1979 hanggang 1982 at  representante ng punong ministro mula 1980 hanggang 1983.

Mga Lider ng ASEAN

Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei

Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia

Joko Widodo, Pangulo ng Indonesia

Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos

Mahathir Mohamad, Punong Ministro ng Malaysia

Aung San Suu Kyi, State Counselor na Myanmar

Rodrigo Duterte, Pangulo ng Pilipinas

Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore

Prayut Chan-o-cha, Punong Ministro ng Thailand

Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Vietnam (Tagapangulo)

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit mahalaga ang asean summit?: brainly.ph/question/1054310

#LearnWithBrainly

Explanation:


Comments