*Nasusuri Ang Dahilan, Dimensyon At Epekto Ng Ng Globalisasyon" Nasusuri Ang Dahilan At Epekto Ng Migrasyon Dulot Ng Globalisasyon" 1. Kumpletuhin Ang Tala

*Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyon" Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon" 1. Kumpletuhin ang talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ang (1) ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat ibang direksyon na nararanasan sa ibat ibang panig ng daigdig. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng (2) at (3) Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng(4) sa ibat ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago sumiklab ang (5) Digmaang Pandaigdig ng taong (6) Batay sa inilabas ng World Trade Statistical Review ng (7) sa taong 2016, ang halaga ng mga produktong naipagbili noong 2015 ay umabot ng $16 na trilyon samantalang nakapagtala ng humigit na $4 na trilyon naman sa serbisyong komersyal. Bagamat bumaba ng kaunti kung ihahambing sa taong 2014, ito ay halos doble naman sa naitala noong 2005. na Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay (8) ay higit na malawak, mabilis, mura at malalim. Ayon sa kanyang aklat pinamagatang (9) nailathala noong (10) Any job-blue or white collar-that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable American worker. na Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Matapos ang (11) Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada, marami sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang- ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan. Sa mga kaisipang nabanggitang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng ibat ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito. Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang halimbawa. Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa ibat ibang panig ng daigdig, ang (12)__ ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari- arian at institusyong panlipunan. Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng mga (13) at (14) na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong (15). Nariyan ang ibat ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.

1.globalisasyon

2. teknolohiya

3.impormasyon

4.kalakalan

5.unang

6.1914

7.world trade organization

8.Thomas Friedman

9.aklat

10.2006

11.ikalawang

12.Bagyo

13.Palitan ng mga impormasyon

14.Kolaborasyon

Sana makatulong:)


Comments