Hanapin Sa Loob Ng Kahon Ang Tamang Kasagutan, 1. Ang Tunay Na Pagkakaibigan Ay Dumadaan Muna Sa Ilang Matitinding Pagsubok Bago Ito Ganap Na Malinang Sa M
Hanapin sa loob ng kahon ang tamang kasagutan
1. Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas na pakikipag-ugnayan.
2. Ang pakikipagkaibigan ay nakapagdudulot ng positibo, makatotohanan at matibay na pundasyon ng ating pagkakakilanlan at pagkatao. 3. Ang mabuting pagkakaibigan ay matibay na pundasyon at mabisang sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan.
4. Magiging perpekto ang isang lipunan kung ito ay magiging lipunan ng malalim at makabuluhang pagkakaibigan.
5. Ang mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila.
6. Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.
7. Ang pagkakaibigan ay mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
8. Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba.
9. Ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.
10. Ang tunay na pakikipagkaibigan ay maaari lamang mangyari sa pagitan ng mabubuting tao.
Answer:
Comments
Post a Comment