Ano Ang Kahalagahan Ni Antonio Pigafetta Sa Kasaysayan Ng Bansang Pilipinas

Ano ang kahalagahan ni Antonio Pigafetta sa kasaysayan ng bansang pilipinas

Answer:

Si Antonio Pigafetta2 (c. 1491), ay isang Italyanong iskolar at aristokratang ipinanganak sa Vicenza ng Veneto (Venetia). Kinatipan siyang sumama at tumulong para sa kapitang Portuges na si Fernando Magallanes ang isang kawal portugal at mga tauhang Kastila nito patungo sa kanilang paglalayag sa Kapuluang Maluku (Malacca) simula noong 1519. Sa panahon ng biyahe, nagtabi siya ng tumpak at magkakasunod na mga tala na lumaong nakatulong sa pagsasalin niya ng isa sa mga wika sa Pilipinas, ang Sebwano. Ito ang pinakaunang pagtatala hinggil sa wikang ito.

Mula sa tinatayang mga 250-265 na tauhan na naglayag kasama ni Magellan noong 1519, isa si Pigafetta sa mga 18 lamang na nakabalik sa Espanya noong 1522, bilang pagkakabuo ng sirkumnabigasyon (paglalakbay sa kabuuan ng mundo) sa ilalim ng pagka-kapitan ni Juan Sebastián Elcano makalipas ang kamatayan ni Magallanes.

Naging sanggunian ang kaniyang talaan ng kasaysayan ng mga sunud-sunod na pangyayari ng karamihan sa mga nalalaman ngayon tungkol sa paglalakbay nina Magallanes at Elcano.

Explanation:

#makemeasbrainlist


Comments